Isang matagumpay na pamamahagi ng ayuda sa ilalim ng Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ang inorganisa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) kahapon, Hunyo 13, 2024, sa Strike Gymnasium.
Ang nasabing aktibidad ay nagbigay ng tulong pinansyal sa 697 manggagawa mula sa Bacoor, kabilang ang mga minimum wage earners, TODA members, at mga vendor. Bukod pa rito, nagbigay din ng 4 na wheelchair at relief supplies para sa mga ito. Ito ay bahagi ng layunin ng AKAP na magbigay ng financial assistance sa mga minimum wage earners upang makatulong sa kanilang pang araw-araw na pangangailangan.
Kasabay nito, nakatanggap din ng tulong pinansyal ang 100 fire victims ng Lungsod ng Bacoor, na lubos na naapektuhan ng kamakailang sunog.
Ang programa ay naisakatuparan sa tulong nina President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., House Speaker Martin Romualdez, Secretary Rexlon Gatchalian, at ni Congresswoman Lani Mercado-Revilla.
Ang pamamahagi naman na ito ay personal na dinaluhan at pinangunahan nina Mayor Strike B. Revilla at Vice Mayor Rowena Bautista-Mendiola.