Simula bukas 18 March 2025, ang Disaster Preparedness Orientation para sa Mayor’s Permit to Work ay magkakaroon na lamang ng dalawang (2) batches bawat araw, Lunes hanggang Biyernes.
Ito ay upang bigyang-daan ang iba pang community-based DRRM workshops, seminars, at requests alinsunod sa City Ordinance 248-2022.

Maraming salamat sa inyong pang-unawa at patuloy na suporta sa ating mga programang pangkahandaan!