Isang karangalan na tanggapin ang “Lungsod Lunsad” Award mula sa Department of Trade and Industry.
Noong Agosto 6, 2024, sa Philippine Trade Training Center, pinarangalan ang ating mahal na Lungsod ng Bacoor para sa pangunguna sa pagkamalikhain at inobasyon sa pamamagitan ng Bakood Festival 2024.
Ang tagumpay na ito ay patunay ng ating pagkakaisa at pagsisikap para patuloy na itaguyod ang makulay at malikhain nating komunidad. Salamat sa bawat isa na naging bahagi ng tagumpay na ito.
Mabuhay ang Bacoor! 🇵🇭