Pinangunahan nina Mayor Strike B. Revilla, Vice Mayor Rowena Bautista-Mendiola, mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, Atty. Venus De Castro, at Barangay Capt. Theodoro Montes ang Luksang Parangal para sa dating Konsehal ng Lungsod na si Konsehal Bayani M. De Leon.
Si Konsi Bayani ay nagsimulang manungkulan noong 2007, katuwang ni Mayor Strike B. Revilla sa unang termino nito. Siya rin ay naging Head ng Office of the Senior Citizens Affair (OSCA) matapos ang kanyang huling termino bilang konsehal ng lungsod.
Kaya naman, ang buong pamunuan ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor, sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla at ng buong Team Revilla, ay lubos nakikidalamhati sa pagpanaw ng isang lider na may malasakit at mapagmahal na si Konsi Bayani M. De Leon.