June 3, 2024 — Sa isang makasaysayang kaganapan, pormal nang inilunsad ang “TARA, BASA!” Tutoring Program sa pamamagitan ng paglagda ng Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor, Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Education (DepEd), at ng Cavite State University (CVSU) – Bacoor Campus.
Sa pagsasama-sama ng mga pwersa mula sa mga sektor ng gobyerno, edukasyon, at komunidad, layunin ng “TARA, BASA!” Tutoring Program na magbigay ng karagdagang suporta sa mga mag-aaral upang mas mapalawak ang kanilang kaalaman at mapahusay ang kanilang mga kasanayan sa pagbabasa at pag-aaral.
Ang tagumpay ng programa ay bunga ng maigting na pakikipagtulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Strike B. Revilla, DSWD sa pamumuno ni Secretary Rex Gatchalian, DepEd sa pamumuno ni Regional Director Atty. Alberto Escobarte, at CVSU sa pamumuno ni Dr. Hernando D. Robles na kinatawan ni Vice President for Academic Affairs Dr. Ma. Agnes P. Nuestro.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.