March 10, 2025 – Bilang accredited Training Manager ng National Youth Commission, pinangunahan ng ating OIC – LYDO Ms. Angie Cariaso ang special Sangguniang Kabataan Mandatory Training (SKMT) para sa mga bagong talaga na SK Secretary at SK Treasurer.
Sa ilalim ng Section 28 ng Republic Act No. 10742 o ang Sangguniang Kabataan (SK) Reform Act of 2015, na inamyendahan ng Republic Act No. 11768, at alinsunod sa Department of Interior and Local Government (DILG) Memorandum Circular No. 2023-156, ang lahat ng mga bagong halal at talaga na mga opisyal ng Sangguniang Kabataan at mga miyembro ng Local Youth and Development Council (LYDC) ay kinakailangan sumailalim sa Mandatory Training bago ang kanilang pagtanggap ng tungkulin at pagsumpa sa kanilang katungkulan.
Naging resource speakers din ang ating NYC CALABARZON Area Officers na sina Mr. Amerson Aguinaldo at Mr. Mark Ryan D. Talajuron kung saan tinalakay ang modyul ng “History of SK and Salient Features” at “Minutes and Resolutions”.
Nakasama din natin ang isa sa bagong talaga na SK Treasurer mula sa Bayan ng Alfonso, Cavite na sumailalim din sa SKMT.
Patuloy ang ating suporta para sa paglilingkod ng mga Batang Bacooreño!
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.