Dahil sa banta ng matinding init!. Ang bagong pamunuan ng Barangay Dulong Bayan sa pangunguna ng ating Punong Barangay Jade “Katoga” Javier Palma ay pinaaalalahanan ang lahat na siguraduhing safe ang iyong sarili laban sa Heat Exhaustion, Dehydration at Heat Stroke.
1. Dalasan ang pag-inom ng tubig.
2. Magsuot ng light-colored na damit.
3.Iwasan ang pag-inom ng tsaa, kape, softdrinks sa tanghali at hapon.
4. Manatiling sa bahay kung hindi naman kinakailangan lumabas.
5. Iwasan ang physical activities sa tanghali at hapon.
6. Magsuot o magdala ng panangga laban sa init ng araw.
Huwag ipagsawalang bahala ang init ng panahon. Bantayan ang temperatura dahil maaaring maging sanhi ito ng heat stroke. Muli Ito ay isang munting paalala sa atin ng bagong pamunuan ng Dulong Bayan. Maraming Salamat po
TULOY-TULOY NA PAGBABAGO! TUNGO SA PROGRESIBONG BARANGAY DULONG BAYAN!