Sa pangunguna ng City Government ng Bacoor sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Strike B. Revilla, isinagawa ang pamamahagi ng food packs sa mga pamilyang apektado ng Bagyong Carina.
Kasama sa pag-organisa ng aktibidad ang CSWD at ang Team Revilla. Dumalo sa pagpapamahagi ang mga sumusunod na personalidad: Vice Mayor Rowena Bautista Mendiola, Councilor Adriel Gawaran, Pastor Mike Bautista, Barangay Chairman, Konseho, SK Chairperson, at SK council ng mga apektadong Barangay, pati na si Manolo “Noly” Galvez, Assistant BDRRMO Head.
Mahigit sa 2900 pamilya ang tumanggap ng tulong mula sa nasabing aktibidad na isinagawa sa mga lugar tulad ng Panapaan 6, Panapaan 1, Talaba 1, 2, 3, Zapote 1, 2, at 3.
Ang mga layuning ito ay naglalayong maibsan ang hirap at magdulot ng ginhawa sa mga pamilyang naapektuhan ng kalamidad. Isang malasakit at pagkalinga mula sa lokal na pamahalaan upang ipakita ang pagtutulungan at pagmamalasakit sa mga nangangailangan. Ang pagtulong at suporta ay patuloy na bumabalot sa bawat apektadong pamilya upang maiparamdam ang pagmamahal at pag-aalaga sa panahon ng pangangailangan.
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
STRIKETV Facebook Page
STRIKETV Youtube account
Maraming salamat po.