Paalala lang po sa mga magulang at guardian ng ating mga Batang BacooreƱo lalo na po sa ang ating mga menor de edad 17 years old pababa, meron po tayong curfew mula 10:00 PM hanggang 4:00 AM.
Kagabi mayroon pong 5 na kabataan po tayong narescue at dinala sa Shelter sa tulong ng CSWD sa pamumuno ni Ms. Lilliane Ugalde, upang sunduin ng kanilang mga magulang.
Iwasan po sana ng ating mga kabataan na lumabas pa sa gabi bagkus ay manatili na lamang sana ang mga ito sa kanilang mga tahanan kasama ang kanilang mga magulang o guardian tulad ng 3 araw na magkakasunod bago kagabi kung saan wala o 0 ang ating mga lansangan ng mga kabataan na pakalat kalat o walang kasamang mga magulang o kamaganak na nakakatanda.
Tandaan aming ipinatupad sa Lungsod ng Bacoor ang CURFEW dahil kami ay may CARE FOR YOU!
Maraming salamat po!