Isinagawa ang UGNAYAN SA BARANGAY sa Strike Gymnasium na dinaluhan ng mga Bacooreño mula Ligas 1 at Ligas 2.
Pinangunahan ito nina Mayor Strike B. Revilla, Governor Jonvic Remulla, Congressman Bryan Revilla, Board Member Ram Revilla Bautista, Vice Mayor Rowena Bautista-Mendiola, bumubuo ng Sangguniang Panlungsod, at Liga ng mga Barangay.
Pinayuhan ni Gov. Remulla ang mga Bacooreño na suportahan ang magaganap na PLEBISITO sa July 29, 2023 sa Lungsod ng Bacoor.
Ang pagsuporta ng Pamahalaang Lalawigan ng Cavite sa pangunguna ni Gov. Jonvic Remulla ay ipinakita sa Ugnayan sa Barangay dahil sa mensahe na kaniyang iniwan sa mga Bacooreño.
Nagkaroon rin ng Voters Education para ipaliwanag at ituro ang mga dapat gawin sa araw ng plebisito. Nais ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor na iparating sa ating mga kababayang Bacooreño kung gaano kahalaga ang Barangay Merging.
Sa kalagitnaan ng programa pinasaya naman ni Gov. Jonvic Remulla ang mga Bacooreño sa raffle ng Ugnayan na ang mga mabubunot ay mag uuwi ng 1,000 to 30,000 pesos. Ang lahat ng pumunta ay mag-uuwi rin ng bigas at pagkain.
Dumalo sa Ugnayan sa Barangay sila Punong Brgy. George G. Medina ng Ligas 1, Punong Brgy. Delfin F. Pascual Jr. ng Ligas 2, at kasama na rin ang kanilang Brgy. Officials.
Nagpapasalamat naman ang Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla, at ang Sangguniang Panlungsod Members sa pangunguna ni Vice Mayor Rowena B. Mendiola sa suportang ibinibigay ni Gov. Jonvic sa Plebisito sa Lungsod ng Bacoor.
As We Strike As One, Dahil sa Bacoor at Home ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.