Nagbigay ng libreng photobooth ang Bacoor Philippine National Police (PNP) bilang bahagi ng kanilang Valentine’s Day celebration, na idinaos sa harap ng opisina ng PNP Bacoor mula 9:00 ng umaga hanggang 2:00 ng hapon.
Ang nasabing kaganapan ay isinagawa sa pangunguna ng PNP Bacoor, sa ilalim ng pamumuno nina Mayor Strike B. Revilla na lumahok mismo sa pamamagitan ng kanyang standee, at OIC PNP Bacoor na si John Paul Carracedo. Kasama rin sa pag-organisa ang mga OJT mula sa St. Michaels Institute, partikular sa Grade 12.
Ang libreng photobooth ay bukas para sa lahat, at maaaring gamitin ng sinuman hanggang alas-dos ng hapon. Ito’y isang proyekto ng PNP Bacoor upang ipagdiwang ang Araw ng mga Puso at magbigay saya sa mga residente ng lungsod.
Naglunsad ang PNP Bacoor ng nasabing aktibidad upang itaguyod ang positibong karanasan sa komunidad, at ipakita ang kanilang pagmamahal sa mga taga-Bacoor. Ang mga nagpartisipang nagmula sa iba’t ibang sektor ng komunidad ay masayang nag-avail ng libreng serbisyong ito.
Ang libreng photobooth ay isang magandang oportunidad para sa mga magkasintahan, magkaibigan, at pamilya na magkaruon ng masayang alaala ng kanilang pagdiriwang ng Valentine’s Day. Muling ipinakita ng lokal na pamahalaan ang kanilang suporta sa mga proyektong naglalayong magbigay saya at mag-ambag sa kagandahan ng buhay ng mga taga-Bacoor.
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.