June 11, 2024 – Sa patuloy na pagtutok ng lokal na pamahalaan ng Bacoor sa kalusugan ng komunidad, tuloy-tuloy pa rin ang serbisyong libreng tuli para sa mga kabataang lalaki na may edad 12 pataas upang hikayatin ang maayos na pangangalaga ng kalusugan.
Nasa kabuuang 153 na kabataan mula sa Barangay Mabolo 1, Real, Salinas 1 at 2, at mga kalapit barangay ang nakinabang sa nasabing programa.
Lubos namang nagpapasalamat ang lokal na pamahalaan sa tulong at suporta ng mga volunteer na intern doctors mula sa Perpetual Las Piñas at community volunteers mula naman sa St. Dominic Medical Center.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.