June 4, 2024, mahigit apat naraang kabataan sa Barangay Queensrow Central, Queensrow East, at Queensrow West ang natuli sa pamamagitan ng Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ng City Health Office (CHO).
Ang programa na LIBRENG TULI ng Pamahalang Lungsod, sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla, Vice Mayor Rowena B. Mendiola, at Sangguniang Panlungsod Members ay taon-taong ginagawa sa ibat-ibang Barangay sa Lungsod ng Bacoor.
Nasa 12 taong gulang pataas ang pumila sa covered court ng Barangay Queens-row Central.
Dumalo naman si Kapitana Catherine Palabrica kasama ang kanyang mga Kagawad, maging si SK Chairman John Peter Cirineo at mga Sk Kagawad nito.
Nagpapasalamat naman ang Pamahalaang Lungsod ng Bacoor sa mga INTERN DOCTORS ng PERPETUAL Las Pinas dahil sila ang nanguna para matuli ang mga kabataang Bacooreno.
Patuloy pa rin ang mga programa at proyekto ng Pamahalaang Lungsod para mapabuti ang kalusugan ng mga kabataang Bacooreno.
As We Strike As One, Dahil sa Bacoor at Home ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.