Sa muling pagsasagawa ng pamamahagi ng libreng limang kilong bigas na handog ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla, nakatanggap ang kabuuang 5,740 na residente mula sa Barangay Molino 3 ngayong araw, Hunyo 25, 2024.
Ito ay bahagi ng inisyatiba ng lokal na pamahalaan, sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla kasama ang buong Team Revilla, na tugunan ang pangangailangan ng bawat mamamayan.