June 5, 2024 – Sa pangalawang araw ng pamamahagi ng libreng limang kilong bigas na handog ng Team Revilla at ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor, sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla, nasa kabuuang 2,533 na residente mula sa Barangay Molino 6 (Batch 2) at Barangay Sinbanali ang nakatanggap nito.
Personal naman na nagtungo si Mayor Strike B. Revilla sa Barangay Molino 6 upang magbigay ng mensahe at personal na iabot ang bigas sa mga residente.
Patuloy ang pamamahagi ng libreng bigas sa iba’t ibang barangay ng Bacoor bilang bahagi ng layunin ng lokal na pamahalaan na matulungan ang bawat pamilyang Bacooreno.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.