Hunyo 21, 2024 – Sa pangunguna ni Mrs. Chaye Cabal-Revilla at sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor, sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Strike B. Revilla at CSWD, matagumpay na isinagawa ang MWELL Strike 2.0, isang malawakang libreng konsultasyon at serbisyong medikal para sa mga Bacooreño.
Dinaluhan ang programa ni Ms. Lorraine Macapagal, Head of Operations ng MWELL, kasama ang mga kilalang doktor na nagbigay ng libreng konsultasyon, parehong online at face-to-face.
Mahigit sa 305 benepisyaryo mula sa mga miyembro ng 4Ps at mga Parent Leader ang nakinabang sa serbisyong medikal. Bukod sa libreng konsultasyon at gamot, nagbigay din ng iba’t-ibang serbisyo tulad ng ECG, X-ray, Urinalysis, Vital Signs, Ultrasound, CBC, Blood Sugar, at iba pa.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.