Nagsagawa ang Lungsod ng Bacoor ng Launching of TEENDig Project na ginanap sa Bacoor National Highschool Main.
Ang layunin ng programang TEENDig o “Trustworthy, Engaging, Encouraging, Nurturing or place for adolescents and Dignity.” ay maghatid ng kaalaman at tulong patungkol sa napapanahong isyu sa Mental at Pisikal na kalusugan ng mga kabataan.
Kung saan kabilang rito ang maagang pagbubuntis, malnutrisyon, HIV and AIDS at Sexually Transmitted Diseases(STD), nariyan din ang Iba’t ibang adiksyon tulad ng pagamit ng ipinagbabawal na gamot, gadgets, online games, pornography, gender identity, depresyon at Iba’t ibang social pressures na nagiging hadlang sa pag-unlad ng pagkatao.
Ang programang ito ay pinangunahan ng ating inang panlungsod Congresswoman Lani Mercado Revilla at Vice Mayor Rowena Bautista na siyang kumatawan kay Mayor Strike B. Revilla. Inorganisa ng Department of Health (DOH) at Department of Education (DepEd) ang programang ito. Nakiisa rito ang mga School Division Office Personnel, Principals, School Heads, Teachers, DOH Staff na may 99 na bilang at 40 na mga students sa kabuuang 139 ang mga nakipagpartisipa.
Dumalo rin sina, Councilor Alde Pagulayan, Dr. Ivy Yrastorza (CHO Head), Dr. Babylyn Pambid-OIC Assistant School Division Superintendent, Dr. Editha Gregorio-Chief of Curriculum Implementation Division, Dr, Cesar Mojica- Chief School Governance and Operation Division, Dr. Teodoro Gloriani-Principal IV of BNHS Main, Dr. Ariel Valencia MPH- CESO III- Regional Director DOH 4A, Ms. Venice Gayle Gerona- TEENDig President, Ms. Rihanna Mulan Cantela TEENDig VP-External at Ms. Rowena Sara-SPTA President ng Bacoor National Highschool Main.
As We Strike As One, Dahil sa Bacoor at Home ka dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.