October 18, 2023 (Wednesday) – Nagkaroon ng isang educational and residency training para sa mga Resident at Surgeon Doctors at Medical Staff na pinangunahan ng Department of Health Southern Tagalog na ginanap sa Fynn Boutique Hotel
Sinimulan ang programa, sa pambungad na mensahe Dra. Ruby Ephraim M. Rubiano, Medical Center Chief I.
Ang hangarin ng programa na ito ay makapagbigay ng dagdag na kaalaman ukol sa Surgery Residency Training na maaring magamit at maibahagi sa Southern Tagalog Regional Hospital (STRH).
Taos puso namang nagbigay ng mensahe ang Ina ng Lungsod, Cong. Lani Mercado-Revilla, sa pamamagitan ng Audio-Visual Presentation at sinundan ng mensahe ni Dra. Ana Maria Elena Q. Gabuten, OIC, Chief of Medical Professional Staff I.
Nagbigay din ang ating ama na si Mayor Strike B. Revilla na kinatawanan ni Ms. Khei Javier Sanchez ng kanyang suporta para sa mga Resident Doctors.
Dagdag pa rito, dumalo rin ang mga opisyales mula sa Department of Health City Health Department IV-A, CALABARZON, kabilang si Dr. Ariel I. Valencia, Regional Director, Dr. Nestor F. Santiago Jr., USEC of Health, Field Implementation and Coordination Team at Dr. Ramoncito C. Magnaye, Medical Center Chief II ng Batangas Medical Center.
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.