Inabangan ang pagdating ni Mayor Betty Cabal at Vice Mayor Jun Cabal kasama ang mga konsehal ng Bayan, Punong Barangay, Department & Unit Heads, ng Munisipyo ng Hindang Leyte para sa isang LAKBAY-ARAL na kanilang magagamit sa kanilang bayan.
Pinangunahan ni Vice Mayor Rowena B. Mendiola kasama ang Sangguniang Panlungsod Members ang pagsalubong sa mga bisita na galing sa Hindang Leyte. Ipinakita ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor ang mga serbisyo at programa na ibinibigay ng Lungsod sa mga BacooreƱo.
Nagtungo ang deligado ng Hindang Leyte sa Barangay Sineguelasan kung saan ang Punong Barangay na si Kapitana Caridad Sanchez ang siyang nanguna Para ipakita ang ipinagmamalaki ng Bacoor na Tahong at Talaba. Ipinakita rin ng Livelihood Dept. ang Food Processing Center na gumagawa ng mga produktong gawa sa tahong. Matapos sa processing center tumungo naman ang deligado sa Mangrove Plantation na isa sa pinaka tinututukan ng City Agriculture sa pangunguna ni Sir. Allan Chua, dito Ipinakita ni Sir. Allan ang lawak at ganda ng mangrove na tunay na maipagmamalaki ng Lungsod ng Bacoor. Isa rin sa pinuntahan ng deligado ng Hindang Leyte ang simbahan ng St. Michael the Archangel Parish – Bacoor sa Barangay Tabing Dagat na isa sa pinaka matandang simbahan sa probinsya ng Cavite. Pinangunahan naman ng Bacoor City Tourism sa pangunguna ni Sir. Edwin Guinto ang pagbibigay ng kaalaman tungkol sa Bahay na Tisa na siyang unang naging tanggapan ng unang Pangulo ng Pilipinas nasi Pangulong Emilio Aguinaldo. Binida rin ng City Tourism ang sikat na sikat na Halo-halo sa Barangay Digman na isa sa dinadayong kainan sa Lungsod ng Bacoor. Ipinakita rin sa mga taga Hindang Leyte ang TULAY ng ZAPOTE na isa sa pinaka makasaysayang lugar sa buong Pilipinas.
Lubos naman nagpapasalamat ang Pamahalaang Lungsod ng Bacoor sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla, Kay Mayor Betty Cabal at Vice Mayor Jun Cabal at sa buong deligado ng Hindang Leyte dahil napili nito ang Lungsod ng Bacoor para bisitahin at bigyan ng pagpapahalaga ang makasaysayang lugar sa Probinsya ng Cavite.
Sa huli, nagpasalamat naman si Mayor Betty Cabal at mga kasama nito sa lahat ng tumulong sa kanilang pag-iikot, sa LEDIPO sa pangunguna ni Ms. Khei Sanchez, Ma’am Lilian Ugalde ng CSWD, Edwin Guinto ng Tourism Office, Mr. Allan Chua ng City Agriculture Office, Ms. Lita Gawaran ng Livelihood Office, Ms. Lysa Blancaflor ng City Information Office, BTMD, PNP at Barangay Official ng Brgy. Sineguelasan at Zapote 3.
As We Strike As One, Sa Bacoor at Home ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.