Sa pagsisimula ng unang araw ng buwan ng Abril, isinagawa ngayong araw ang Flag Raising Ceremony sa Strike Gymnasium na pinangunahan ng City Planning and Development Coordinating Office, sa pamumuno ni Ms. Rowena ‘Wheng’ Alcantara.
Sinimulan ang programa ng isang mapagmahal na panalangin at sinundan ito ng pagkanta ng Pambansang Awit ng Pilipinas, Cavite, at Bacoor Hymn.
Nagbigay naman ng pambungad na mensahe si Hon. Coun. Alde Pagulayan na sinundan ni Mr. Ray Michael Kevin H. Abuso mula sa National Economic and Development Authority o NEDA Region IV-A.
Hindi rin nagpahuli si Mayor Strike B. Revilla na ibahagi ang kanyang mga nagawa noong nakaraang Linggo tulad ng mga sumusunod:
1. Pag-observe ng Holy Week
2. Pagsasailalim ng Lalawigan ng Cavite sa State of Calamity batay sa Resolution No. 3050-2024
3. Memorandum of Understanding (MOU) kaugnay ng programang ‘Strike as One ng mga Nagkakaisang Paaralan’
4. Bacoor Meet (Basketball) ng Herman Harrell Horne School
5. Pagdiriwang ng Women’s Month noong nakaraang Marso, kasama ang Symposium on Adolescent Sexuality and Reproductive Health
6. Family Planning Outreach Mission on Progestin Sub-dermal Implant (PSI)
7. Regional Sports Meet; turnover ng 23 units ng Starlink wifi router
8. Central Slaughterhouse ng Bacoor (Barangay Molino 1)
9. Blessing sa Waiting Area ng Southern Tagalog Regional Hospital
Sa pamamagitan ng mga ganitong aktibidad, patuloy na pinapalakas ng lungsod ng Bacoor ang pagkakaisa at pag-unlad ng komunidad.
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
STRIKETV Facebook Page
STRIKETV Youtube account
Maraming salamat po.