Isang mapagpalang araw ng pasasalamat sa ating Panginoon sa pamamagitan ng Thanksgiving Mass kahapon para sa Kapistahan ni Tatay Ige at sa pagdiriwang ng Bakood Festival!
Ipinagdarasal natin ang patuloy na pagkakaisa at pagmamahal sa ating komunidad, nawa’y gabayan tayo ni St. Michael the Archangel sa ating mga adhikain para sa ating minamahal nating Lungsod ng Bacoor.
Maraming salamat sa lahat ng dumalo at nakiisa sa pagdiriwang na ito. Mabuhay ang Bacoor at ang ating mga tradisyon!