Patuloy ang laban ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor sa Covid-19. Kaninang umaga pinasinayaan ang newly-renovated Cavite Mayors League Building, ang newly-constructed covered court, at ang newly-installed container rooms para magsilbing karagdagang isolation and quarantine facilities ng Lungsod.

Ang Ligtas Covid-19 Center ng Lungsod ng Bacoor ay gawa sa mga container rooms na ginawang temporary shelter modular houses na may 20 hospital beds para sa mga mild at asymptomatic positive Covid-19 patients at common bathrooms. Mayroon ding nurses station at doctorsā€™ lounge. Ang mga ito ay matatagpuan sa open space sa harap ng Southern Tagalog Regional Hospital.

Ang mga container rooms ay naisakatuparan sa pangunguna ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor katuwang ang mga donors mula sa Future Home Co., Ltd., Almextech Inc., at Jesus V. Del Rosario Foundation Inc. Sila ay nagtulong-tulong para mabuo ang mga airconditioned container rooms sa loob lamang ng mahigit isang buwan.

Ang bagong renovated na Cavite Mayors League building ay kaya ding mag-accommodate ng 20 pasyente. Ang renovation naman sa STRH ay nakapagbigay daan para magkaroon ng karagdagang 50-bed capacity rooms para sa asymptomatic, mild to severe positive Covid-19 patients.

Ang blessing at turnover ceremony ay pinangunahan ni Bacoor City Mayor Lani Mercado-Revilla, DOH Regional Director Dr. Eduardo Janairo at STRH Director Dr. Ephraim Rubiano kasama ang iba pang mga opisyal ng DOH at STRH.

#LoveMyBacoor
#AlagangAteLani