Umuwing may ngiti sa kanilang mga mata at labi ang mahigit 2,000 lolo at lola mula sa Barangay Ligas 1, Talaba 2, at Talaba 3, matapos ang masayang pagdiriwang ng Kalinga sa Matatanda, na may temang “Mano po Lolo, Mano po Lola: Ngayong Pasko ay Kasama Mo Ako.”
Ang programa na ito ay hindi lamang naghatid ng mga regalo at tulong pinansyal, bagkus, nagbigay din ito ng mga masasayang palaro, sayawan, at pa-raffle na handog ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor, sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla, katuwang ang City Social Welfare and Development Office (CSWD) na pinamumunuan ni Ms. Liliane De Roxas Ugalde, kasama ang Office of the Senior Citizen Affairs (OSCA) na pinamumunuan naman ni Atty. Venus De Castro.
Ang buong suporta at pakikiisa ay ipinamalas rin ng ilang City Councilors ng Lungsod na sina Hon. Alex Gutierrez at Hon. Karen Sarino Evaristo.
Ang masiglang pagtitipon na ito ay ginanap sa Strike Gymnasium kahapon, December 5.
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.