Nagsagawa ng joint Seaborne Water and Shellfish Sampling and Monitoring Activity ang mga kawani ng City Government of Bacoor- Office of the Agricultural Services, Phil. Coast Guard Fleet BRP Francisco Dagohoy at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources 4A Regional Fisheries Laboratory.
Sang ayon sa pinaka huling actual inspection and monitoring mula 9 am hanggang 1pm ng Agosto 7, 2024, ay wala pa ding namamataang “Physical Manifestation of Oil” sa katubigang sakop ng Bacoor. Kumuha din ng mga samples ng Tahong at Talaba na parehong walang nakitaan ng Physical Manifestations ng langis.
Nakatakdang lumabas ang resulta ng ginawang sampling pagkatapos ng 14 na araw sang ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources 4A Regional Fisheries Laboratory.
Patuloy pa rin ang pagawa ng mga Improvised Oil Spill Booms sa ating Lungsod, kaya tuloy tuloy pa rin ang pagtanggap ng inyong mga donasyong used plastic bottles.
Ang mga donasyong used plastic bottles ay maaraing dalhin sa bahay ni Mr. Allan Chua sa Brgy. SINBANALI, sa tanggapan ng Office of the Agriculture Services – Bacoor, o kaya ay sa inyong mga BARANGAY.
Maraming Salamat po sa lahat ng tumutulong at sa mga nag donate.
Office of the Agricultural Services
-Joshua R.Villaluz, RFP
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
STRIKETV Facebook Page
STRIKETV Youtube account
Maraming salamat po.