Sa muling pagpapatuloy ng pamamahagi ng libreng limang kilong bigas, na handog ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla, nakatanggap ang 500 residente mula sa Barangay Panapaan 5 at 800 naman mula sa Barangay Mambog 1.
Ito ay bahagi ng inisyatiba ng lokal na pamahalaan, sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla kasama ang buong Team Revilla, na tugunan ang pangangailangan ng bawat mamamayan.