Lungsod ng Bacoor, Nobyembre 15, 2024 – aabot sa 1,000 indigent senior citizen ang natanggap ng social pension mula sa programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) katuwang Pamahalaang Lungsod ng Bacoor at ng Officr of the Senior Citizen Affairs (OSCA) sa pangunguna ni Atty. Venus De Castro.
Kasama sa mga nakatanggap ng pensyon ang mga hindi nakakuwa noong Nobyembre 12 at 13, 2024. Ang Payout na ginanap ngayong ay mula sa 9 na Barangay, Zapote 1, Zapote 2, Talaba 1, Talaba 2, Talaba 3, San Nicolas 1, PF Espiritu 5, at PF Espiritu 1.
Ang pamamahagi ng tulong pinansyal na ito ay nagpapakita ng pagmamahal at malasakit ng Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla, Vice Mayor Rowena B. Mendiola, Cong. Lani M. Revilla, Cong. Bryan Revilla, Sangguniang Panlungsod Members, sa mga Bacooreñong Senior Citizen.
Patuloy ang Payout ng Senior Citizen sa Lungsod ng Bacoor hanggang matarget ang lahat ng mga senior citizen na pensyonado sa Pamahalaang Lungsod.
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
STRIKETV Facebook Page
STRIKETV Youtube account
Maraming salamat po.