Isang Bacooreño ang nagkamit ng pinakamataas na marka, Number 1 sa nakaraang Psychologist Licensure Examination! Si Anfernee Karl R. Cuenca, isang nagtapos mula sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, ay nagpakitang gilas sa pagsusulit na ginanap noong Agosto 11-12, 2024. Si Anfernee Karl R. Cuenca, na mula sa Barangay Salinas 2, Bacoor, Cavite, ay hinahangaan nating mga Bacooreño. Ang kanyang tagumpay ay isang patunay ng kanyang dedikasyon at sipag sa pag-aaral.

Congratulations, Anfernee! Ipinagmamalaki ka ng mga Bacooreño!