Ngayong buwan ng Marso ipinagdiriwang sa buong Pilipinas ang buwan ng kababaihan na may temang”Lipunang Patas sa bagong Pilipinas Kakayahan ng kababaihan patutunayan”.
Pinangunahan ni Mayor Strike B. Revilla, Cong. Lani M. Revilla, Vice Mayor Rowena B. Mendiola at ng Sangguniang Panlungsod Members ang selebrasyon ng kababaihan na dinaluhan ng miyembro ng UGNAY. Ang Pamahalaang Lungsod ng Bacoor ay kinikilala ang kababaihang Bacooreno hindi lang dahil sa mapagmahal at maalaga kundi dahil sa busilak na puso na kailanman ay hindi nagpabaya sa kanilang pamilya.
Nagbigay naman ng aliw ang nag-iisang Ms. Regine Tolentino na siyang nanguna sa sayawan kasama ang ibang kawani ng Bacoor na galing sa City Social Welfare and Development (CSWD). Nagkaroon rin ng Raffle sa kalagitnaan ng programa kung saan pinangunaghan ito ng mga City Councilor na sila rin ang nagbigay ng mga premyo.
Nagbigay naman ng mensahe si Mrs. Chaye Cabal-Revilla, pangulo ng UGNAY o samahan ng kababaihan sa Lungsod ng Bacoor.
Sa mensahe naman ni Mayor Strike B. Revilla pinasalamatan nito ang lahat ng dumalong kababaihan, at ipinaalala ang lahat ng ordinansang dapat sundin sa Lungsod ng Bacoor.
Ang UGNAYAN ang pinaka-malaking samahan ng kababaihan sa Lungsod ng Bacoor.
As We Strike as One, Dahil sa Bacoor at Home ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.