Nakiisa ang City Government of Bacoor sa pagsasagawa ng International Coastal Clean-Up Drive na may hashtag na “Sea The Change,” ito ay ginanap noong September 16, 2023 sa Maliksi 3.
Layunin ng programang ito na matulungan na maging malinis ang dagat, lawa, waterways, at magbigay ng kaalaman sa pagtaas ng problema sa ‘marine debris.’
Pinangunahan ito ng Bacoor City Environment and Natural Resources (CENRO) sa pamumuno ni Sir Rollie Vocalan.
Dumalaw at nakilahok na rin sina Vice Mayor Rowena Bautista-Mendiola, Congresswoman Lani Mercado-Revilla, at mga City Councilors Coun. Alde Pagulayan, Coun. Bok Nolasco, Coun. Levy Tela, Coun. Adriel Gawaran, at ABC Pres. Monching Bautista, upang magbigay suporta sa nasabing programa at adbokasiya.
Nakilahok naman ang mga Bacoor City Employees and Private Sectors, St. Dominic College of Asia, PNP, Rotary Club Makati, BP Waterworks, mga NGO’s, BFP-Bacoor, St. Michael Institute, BJMP, Good Hands Water Specialist, Road Rally Pro Cargo Transport Services, mga Kapitan ng iba’t ibang barangay at Bacoor Department Heads.
Nagbigay tulong ang Maynilad sa mga dumalo pamamagitan ng pamamahagi ng libreng tubig.
We Strike As One!
Dito sa Bacoor At Home Ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.