Noong Setyembre 18, 2024, sa Revilla Hall ang pamamahagi ng pinansyal na tulong sa 189 na mga biktima ng sunog sa Sitio Wawa, Barangay Zapote 3, Bacoor. Ang programa ay pinangunahan ng HUDRD at City Administration ng Bacoor, sa pamumuno ni Atty. Aimee Torefranco Neri.
Dumalo sa programa sina Mayor Strike B. Revilla, Undersecretary Atty. Randy Escolango ng DHSUD, Atty. Aimee T. Neri – City Administrator ng Bacoor, Mr. Jaypee Ilao – OIC Regional Director IVA DHSUd, Councilor Alde Pagulayan, Councilor Karen S. Evaristo, at Mr. Patrick Tela, na kinatawan ni Senator Bong Go.
Ang pinansyal na tulong na ibinigay ay nagmumula sa pondo ng DHSUD sa ilalim ng Integrated Disaster Shelter Assistance Program (IDSAP). Ang programang ito ay inisyatibo ni Senator Bong Go, na naglalayong makatulong sa mga biktima ng kalamidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng pinansyal na tulong para sa kanilang muling pagtatayo ng bahay.
Bilang karagdagan sa pinansyal na tulong, nagbigay rin si Senator Bong Go ng food packs, vitamins, t-shirt, at bola sa mga nasunugan. Nagkaroon din ng raffle draw para sa mga cellphone at sapatos.
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
STRIKETV Facebook Page
STRIKETV Youtube account
Maraming salamat po.