Inilunsad sa Lungsod ng Bacoor ang Moral Transformation Program ng Office of the Presidential Adviser for Religious Affairs. Layon ng programa na ipagpatuloy ang laban sa illegal drugs habang sinusulong ang inclusive at sustainable peace sa buong bansa. Buong puso ang suporta ng pamahalaang lungsod ng Bacoor sa programang ito, at nilagdaan ng mga opisyales ng pamahalaan ang covenant kaugnay nito.