ExSa pangunguna ng Bacoor Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Office, matagumpay na idinaos ang Incident Command System Executive Course (ICS EC) noong ika-9 ng Pebrero 2024 mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon sa The Fifth, Events Hall, Legislative and Disaster Resilience Building.
Nagtipon ang mahigit na 47 Barangay Captains mula sa iba’t ibang bahagi ng lungsod upang lumahok sa pagsasanay na ito, na naglalayong mapalalim ang kaalaman ng mga lokal na opisyal sa systematic at strategic management ng mga planadong at di-inaasahang mga pangyayari.
Kasama sa mga tagapagsalita sa programa ay sina Mayor Strike B. Revilla, Marisel R-Cayetano ng Imus DRRM, Rommel Penayra ng Carmona DRRM, Maria Rhoda Periodico, at Mark Bawalan mula sa Provincial DRRM. Si Mr. Tadeo Sagritalo ng Office of Civil Defense (OCD) CALABARZON naman ang nag-monitor ng pagsasanay.
Ang nasabing training ay naglalayong magbigay ng sapat na kasanayan sa mga Barangay Captains upang mapalakas ang kanilang kakayahan sa pangangasiwa ng mga insidente, maging ito man ay planado o hindi inaasahan. Sa pagtatagumpay ng pagsasanay na ito, umaasa ang Bacoor na magiging mas handa at ligtas ang kanilang mga lokal na lider sa pagharap sa mga hamon ng hinaharap, lalong-lalo na sa mga kritikal na sitwasyon at kalamidad.
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.