Hindi pinalampas ni Mayor Strike B. Revilla kasama si Ma’am Chaye Cabal-Revilla Chairwoman ng UGNAY sa Inauguration at Blessing ng bagong tayong building na Women’s Resource Center sa Bacoor Alima Elem. School, Barangay Alima, Bacoor City, Cavite.
Ang building na ito ang magsisilbing tanggapan para sa mga kababaihan upang mas matugunan ang pangangailangan ng mga kababaihang Bacooreño. Ang UGNAY Bacoor na pinamumunuan ni Chairwoman Chaye Revilla ay mas pinalalakas para magkaroon ng boses ang mga kababaihan sa ating Lungsod.
Sa minsahe ni Mayor Strike B. Revilla binigyan diin nito ang kahalagahan ng mga kababaihan pag dating sa pagtulong at pag aalaga sa pamilya. Pinasalamatan rin ni Mayor Strike ang sakripisyong ginagawa ng mga kababaihan sa pamumuno sa Barangay at paglaan ng panahon sa pagbibigay ng serbisyo bilang kawani ng Lungsod upang makatulong sa ating mga Bacooreño.
Sa mensahe naman ni Ma’am Chaye Revilla sa mga kababaihan na katuwang niya sa mga programa at proyekto ng UGNAY sa Lungsod, lubos itong nagpapasalamat sa suportang ibinibigay ng mga kababaihang Bacooreñong kasapi sa UGNAY.
Karugtong rin ng programa ang Birthday Gift Giving sa isang libong (1000) kababaihan kasama ang kanilang anak na nakatanggap ng Goods, laruan at pagkain galing mismo Ma’am Chaye at Chayeli. Naging katuwang sa pamamahagi ang City Social Welfare and Development (CSWD) sa pangunguna ni Ma’am Lilian Ugalde.
Dumalo rin ang Sangguniang Panlungsod Members sa pangunguna ni Vice Mayor Rowena B. Mendiola, ABC Pres. Kap. Monching Bautista, Kap. Mike Giron, Abaka Pres. Nieves Dela Cruz, Department & Unit Heads, PLTCol. Jesson Bombasi, NGO at ibang Women’s Organization sa Lungsod ng Bacoor.
Laging pinaaalala ni Mayor Strike B. Revilla na laging sundin ang mga batas at ordinansa na ipinapatupad sa Lungsod ng Bacoor, dahil ito’y para rin sa kaligtasan at kaayusan ng ating mahal na Lungsod.
As We Strike As One, Dahil sa Bacoor at Home ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.