January 9, 2024 – Sa isang matagumpay na pagsisimula, nilipat na ang unang Batch na 120 pamilya na Informal Settler Families (ISF) mula sa Barangay Sinbanali patungo sa Ciudad Kaunlaran bilang bahagi ng proyektong pang-relokasyon ng Lungsod.
Ang Housing and Urban Development And Resettlement Department (HUDRD), na pinangungunahan ni Atty. Aimee Torrefrangco-Neri at ni Ms. Annie Nacianceno, ang nagsagawa ng programa na ito. Dumalo rin sa pagtitipon sina Mayor Strike B. Revilla, na naninindigan na wala ng ililipat na Bacooreño sa labas ng Bacoor, Roderick Ibañez, Regional Manager ng NHA, Engr. Emma Anacan, OIC ng NHA Cavite District, Kapitan Mike Saquitan ng Barangay Molino 2, at Kapitana Caridad Sanchez ng Barangay Sinbanali.
Ang layunin ng programa na ito ay ilipat ang mga pamilya sa maayos na tahanan na kanilang masasabing maari na nilang maging pag-aari. Bilang bahagi ng paglipat, nagkaroon ng pamamahagi ng financial assistance, grocery packs, at 10 kilos ng bigas mula sa Bacoor LGU sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla.
As We Strike As One Dahil Sa Bacoor At Home Ka Dito
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.