Ginanap kamakailan ang ikalawang Sportsfest ng The Clubhouse Network – Bacoor.
Ito ay dinaluhan ng mahigit isang daang participants kabilang na ang mga Clubhouse Members and Mentors. Dumalo rin ang Brgy. Poblacion Chairman na si Coun. Randy Francisco at Brgy. Kagawad Mac Raven Espiritu, mga BDRRMO staff at ilang staff ng E-Governance Department na nakisaya at nakipaglaro sa aming mga Clubhouse members.
Puno ng kasiyahan at aksyon ang mga paligsahan tulad ng BASKETBALL, BADMINTON (Doubles and Singles), CHESS, MOBILE LEGENDS, RELAYS at BRAIN TEASERS na tunay na nagpalabas ng talento at kakayahan ng Clubhouse members, na makakatulong sa paghubog ng kanilang personalidad.
Buong puso kaming nagpapasalamat sa mga sponsors na naging daan sa tagumpay ng Clubhouse Sportsfest 2024, unang una kay Hon. Mayor Strike B. Revilla, sa walang sawang suporta sa lahat ng mga aktibidad ng Clubhouse. Gayundin kay Congresswoman Lani M. Revilla, Vice Mayor Rowena Bautista-Mendiola, sa lahat ng City Councilors, kay Sir Lodgene Asuncion ng Bacoor E-Governance Department, kay Sir Sidney Solis ng Sports Unit sa pagbibigay ng mga tropeo at medalya, at kay Kap. Randy Francisco sa pagpapaunlak na gamitin ang Barangay Poblacion – Lungsod ng Bacoor Daan Bukid Covered Court.
Congratulations The Clubhouse Network – Bacoor, Philippines, sa tagumpay ng Sportsfest 2024!