Sa pagtatapos ng buwan ng Abril, isinagawa ngayong araw ang Flag Raising Ceremony sa Strike Gymnasium na pinangunahan ng City Assessors Office & BHOACI.
Sinimulan ang programa ng panalangin at pagkanta ng Pambansang Awit ng Pilipinas, Cavite, at Bacoor Hymn.
Nag bigay ng pambungad na pananalita ang City Councilor of Bacoor-District 2 na si Hon. Alde Pagulayan. Sinundan into ang pag bigay ng parangal sa Barangay Molino 4 bilang isang “Drug-Cleared Barangay”.
Nag bigay ng kanyang mensahe ang ating Guest Speaker na si Atty. Gerardo P. Sirios, Administrator of Land Registry Authority.
Nagkaroon din ng signing of Memorandum of Agreement Between the City Government of Bacoor and the Land Registration Authority.
Nag handog ng Financial Assistance si Mayor Strike Revilla na 60,000 pesos para sa Sports Activity ng BJMP. Nagkaroon din ng tattoo competition for a cause noong April 27, 2024 na inorganisa ng JAPS Events para matulungan sa hospital bills ang premature baby na si Baby Iona Drielle Macalinao.
Nag bigay naman ng kanyang mensahe ang ating minamahal na mayor na si Hon. Mayor Strike B. Revilla. Ibinahagi rin ni Mayor ang kanyang nagawa kamakaylan at nag bigay ng mga paalala tulad ng mga sumusunod:
1. Patuloy na pamamahagi ng bigas sa ilang Barangay belang paghahanda sa El Niño at information campaign on disaster preparedness and fire prevention.
2. Official trip to Japan kasama ang lang Cavite Officials upang bisitahin ang Ilan sa kanilang flood control projects.
3. Napipintong sisterhood agreement between the City government of Bacoor and Namegata City, Japan.
4. MOA signing sa pagitan ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor at Land Registration Authority (LRA) kaugnay ng LGU Bacoor and LRA Data Interconnectivity System, upang gawing mas modernisado at mabilis ang proseso ng land registration sa Bacoor.
5. Assistance to Indigent and Financially Incapacitated Patients (MAIFIP) Program sa ating lungsod.
6. Memorandum of Agreement sa pagitan ng LGU-Bacoor at The Asia Foundation under Google.org, through the initiative of LEDIPO.
Sa pamamagitan ng ganitong aktibidad, patuloy ang pag-unlad ng lungsod ng Bacoor dahil sa pagtutulungan ng bawat mamamayan at sa pangunguna ng ating Mayor, Strike B. Revilla.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.
#SaBacoorAtHomeKaDito