Ang Ika-125 Anibersaryo Ng Pagpupulong Sa Bacoor at Ang Paghahawi Sa Tabing Ng Panandang Pangkasaysayan
Tuwing Ika-1 ng Agosto 2023 ay ginugunita ng ating Lungsod ang ika-125 Anibersaryo ng Pagpupulong sa Bacoor at ang Paghahawi sa Tabing ng Panandang Pangkasaysayan. Inorganisa ito ng Department of Tourism kahapon na ginanap sa Evangelista, Barangay Digman, Lungsod ng Bacoor, Cavite.
Ito ay dinaluhan nina Mayor Strike B. Revilla,
Congresswoman Lani Mercado- Revilla, Vice Mayor Rowena Bautista-Mendiola, Reb. Padre Calixto C. Lumandas, Mr. Manuel Cuenca, Bb. Cristina Paula A. Cuenca, Dr. Emmanuel Franco Calairo, Kgg. Jose Antonio “Mark” S. Leviste ll, Bb. Carminda R. Arevalo, Captain Michael Ian I. Gavilan, at ng Sangguniang Panlungsod Members. Dumalo rin sa pagtitipon ang mga inapo ni Don Juan Cuenca, Department & Unit Heads, mga Kapitan at ibang kawani ng Lungsod.
Parte rin ng pagdiriwang ang pag-aalay ng bulaklak at paglagda para sa paglipat ng pananda na pinangunahan nina Mayor Strike B. Revilla, Mr. Manuel Advincula Cuenca- administrator of Cuenca ancestral house, Ms. Cristina Paula A. Cuenca- Associate administrator of Cuenca ancestral house, Dr. Emmanuel F. Calairo – Chairman of National historical commission of the Philippines and Ms. Carminda R. Arevalo- OIC – Office of the Executive Director, National Historical Commission of the Philippines.
Ang selebrasyon na ito ay pag-alala natin sa ating mga ninuno at mga pangyayari sa kasaysayan upang palalimin pang lalo ang kaalaman na maipagmamalaki ng Lungsod ng Bacoor.
Mabuhay ang Lungsod ng Bacoor!
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.