Sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla at suporta ni Vice Mayor Rowena Bautista-Mendiola, matagumpay na inilunsad ang “Scholastic Battle Royale: The DRRMO Brain Olympics” ngayong araw, Hulyo 19, 2024. Ang kaganapang ito, na inorganisa ng BDRRMO, ay nagsilbing culminating activity para sa National Disaster Resilience Month 2024.
Mahigit 100 na mag-aaral mula sa elementarya at high school ang lumahok sa mga aktibidad na tampok sa programa, kabilang ang Scholastic Battle Royale (Quiz Bee) na nakatuon sa Disaster Risk Reduction and Management, Digital Logo Making, CAPTU-Resilience contest, Jingle Making Contest, Spoken Word Poetry, at Reels-ilience Making Contest.
Ang matagumpay na pagdaraos ng “Scholastic Battle Royale: The DRRMO Brain Olympics” ay nagpapatunay ng mahusay na pagtutulungan ng pamahalaan, mga guro, mag-aaral, at komunidad para sa isang ligtas at handang kinabukasan.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.