June 21, 2025 – Kahapon ay ginanap ang kauna-unahang Strike Clash of Ink: A Tattoo Competition For A Cause sa Strike Gymnasium, Bacoor Government Center. Tayo ay nakipag-partner sa Japs Events upang magbigay-daan at suporta sa ating mga BacooreƱong tattoo artists and enthusiasts. Ang beneficiary ng competition na ito ay mga biktima ng sunog sa Barangay Talaba 3.
Pinangasiwaan ng Local Youth Development Office ang kompetisyon na ito at nakakatuwa dahil madami na din pala tayong kabataan na tattoo artists, Gen Z ika-nga.
Sinamahan din tayo ng 17s Culture Zone Bacoor kung saan ibinida ng mga motorista ang kanilang nag-gagandahang Thai-Inspired motorcycle.
Tunay nga namang kahanga-hanga ang ating mga kababayan at kabataang BacooreƱo. Dahil dito, ninais ni Mayor Strike B. Revilla na buuin ang Bacoor Tattoo Artists Association na pangungunahan ng LYDO. Abangan po ang mga susunod na update mula sa Facebook page ng City Government of Bacoor.
Please like and follow our official social media accounts:
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.