Bacoor City – Naganap noong July 29, 2024 ang Kadiwa sa Lungsod ng Bacoor, isang programa na naglalayong mailapit sa mga Bacooreños ang murang produkto gaya ng bigas at gulay. Ang programa ay pinangunahan ng City Government of Bacoor sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla, at pinatnubayan ng Office of The Agriculture Services sa pamumuno ni Mr. Allan Chua.
Dumalo sa okasyon sina Mayor Revilla at Vice Mayor Rowena Bautista Mendiola. Nagkaroon ng bentahan ng murang bigas sa halagang 39 pesos per kilo para sa mga regular customer at 29 pesos naman para sa mga Senior Citizens, PWD, Solo Parents at 4P’s Members.
Layunin ng Kadiwa na makatulong sa mga mahihirap na pamilya sa Bacoor, lalo na sa mga Senior Citizens, PWD, Solo Parents at 4P’s Members, sa pamamagitan ng pagbibigay ng access sa abot-kayang pagkain. Nagkaroon din ng libreng masahe handog ng City Livelihood and Development Department
Ang Kadiwa sa Lungsod ng Bacoor ay isa pang halimbawa ng dedikasyon ng lokal na pamahalaan sa pag-aalaga sa kapakanan ng ating mga mamamayan. Sa pamamagitan ng mga ganitong programa, maraming pagkain ang mabibili ng ating mga kababayan at mas mapapabuti ang buhay ng mga Bacooreños.
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
STRIKETV Facebook Page
STRIKETV Youtube account
Maraming salamat po.