Isinagawa ang 3rd Batch ng HOA Clinic sa Bacoor ukol sa 2021 Revised Implementing Rules and Regulations ng RA 9904 ang City Government of Bacoor sa pamamagitan ng Housing Urban Development & Resettlement Department (HUDRD) sa pakikipagtulungan sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Region IV-A HOA and Community Development Division ngayong araw ng Agosto 20, 2024.
Ang nasabing gawain ay inisyatibo ni Mayor Strike B. Revilla, kaya nagsagawa ang HUDRD ng Lungsod ng seminar/Orientasyon ukol sa revised IRR ng RA 9904 pati na rin sa Code of Ethics at Ethical Standards para sa mga opisyal at miyembro ng BOD. Kung saan naging mentor sina Ms. Nini G. Sanchez, Ms. Chelcy Ann S. Magandi, at Ms. Kristine May G. Guanizo mula sa HOACD DHSUD 4A.
Nakibahagi sa aktibidad na ito ang 36 Association of 2nd District officers mula sa neighborhood at community association. Layunin ng gawain na ma-i-update ang mga Neighborhood at Community associations BOD’s.
Isinagawa ang Clinic sa Revilla Hall para sa pagpapalawak ng kaalaman at kasanayan ng mga kalahok hinggil sa mga mahahalagang alituntunin sa pamamahala. Sa pamamagitan ng workshop na ito, nabigyang linaw at gabay ang mga participants hingil sa kahalagahan at mga karapatan na naaayon sa bagong alituntunin ng RA 9904.
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
STRIKETV Facebook Page
STRIKETV Youtube account
Maraming salamat po.