Isang masiglang araw para sa mga kabataang taga-Bacoor! Isinagawa ang Programang Libreng Tuli sa ilalim ng pamumuno ni Dra. Ruby Santiago ng City Health Office (CHO), kasama ang Perpetual Help Medical Center – Las Piñas, kung saan humigit-kumulang 100 na batang lalaki ang dumalo sa pagtitipon na ginanap sa Panapaan 3 Covered Court.
Kasama rin sa programa si Kap. Alvin Bryan Macavinta at ang Konseho ng Barangay Panapaan 3. Layunin ng Libreng Tuli na mapanatili ang kalusugan ng mga batang lalaki sa Bacoor, ayon kay Mayor Hon. Strike B. Revilla.
Strike sa KALUSUGAN, Strike sa Serbisyo!
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.