Matagumpay na idinaos ng Housing Urban Development & Resettlement Department (HUDRD) ang Urban Development Solidarity Week 2023. Ginanap ang programa noong, December 12, 2023 sa Bacoor Legislative & Resilience Building.
Kasama sa mga dumalo sina Mayor Strike B. Revilla, Konsehala Karen Sarino Everisto, Atty. Aimee Torrefrangco-Neri, Atty. Paul Sanggalang, Fidel V. Dones, Annie V. Nacianceno, at Konsehal Alde Pagulayan na naghatid ng mensahe mula kay Vice Mayor Rowena Bautista Mendiola.
Layunin ni Mayor Strike B. Revilla na magkaroon ng sariling tahanan ang lahat ng BacooreƱo, lalo na ang mga miyembro ng Urban Poor Association. Nagbigay rin ang City Government of Bacoor ng grocery packs at 1,000 pesos sa 167 na kalahok sa pamamagitan ni Mayor Strike B. Revilla.
Ang Urban Development Solidarity Week 2023 ay nagpapakita ng sama-samang pagsisikap ng City Government of Bacoor, HUDRD, at mga urban poor organizations. Layunin nito ang paglikha ng mas magandang urban environment para sa lahat ng BacooreƱo.
Sa patuloy na pag-unlad ng Bacoor City, patuloy ang pangako ni Mayor Strike B. Revilla na maghatid ng tahanan para sa lahat, lalo na sa mga nangangailangan. Binabati natin ang lahat ng mga kalahok at mga nag-organisa ng Urban Development Solidarity Week 2023. Patuloy tayong magkakapit-bisig para sa maunlad na Bacoor City.
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.