Noong ika-27 ng Agosto 2024, dinaluhan ni Mayor Strike B. Revilla ang proyekto ng HOPE PROJECT na Free Eye Glasses para sa mga estudyante sa pampublikong paaralan sa Lungsod ng Bacoor. Ang HOPE Project ay pinangungunahan ni Doc Tina Alberto na ngayon ay patuloy na gumagawa ng mga programa para makatulong sa mga Bacooreño.
Umabot sa 647 na estudyante mula sa iba’t-ibang paaralan ang nakakuha ng libreng salamin.
Sa mensahe ni Mayor Strike B. Revilla, nagpasalamat ito sa HOPE Project dahil sa patuloy nitong pagbibigay ng programa at proyekto na nakakatulong sa mga Batang Bacooreño. Pinasalamatan rin ni Mayor Strike si Dr. Donna Bele Rmrrata-Lim ng Zoptics Eye Care Clinic dahil sa ibinigay nitong tulong para sa mga kabataang estudyante ng Bacoor.
Ang Pamahalaang Lungsod ng Bacoor at ang HOPE Project ay patuloy na nagtutulungan para makagawa ng mga programa at proyekto na makakatulong sa mga Bacooreño.
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
STRIKETV Facebook Page
STRIKETV Youtube account
Maraming salamat po.