Sali na sa #MyWonderJuana challenge ng Philippine Commission on Women. Narito ang mga mechanics:
-Mag-post ng video (1 to 3 minutes long) featuring your inspiring #WonderJuana (kapatid, nanay, asawa, kasintahan, kaibigan, kasama sa trabaho, o kahit sinong Juana na personal mong kakilala). Ipaliwanag kung bakit itinuturing mo siyang #WonderJuana at maging malikhain sa pag-gawa ng video!
-Punan ang online entry form para opisyal na maka-sali sa challenge: https://forms.gle/jEp1CAj3PbTvN2F79. Dapat ilagay dito ang link sa iyong #WonderJuana post.
-Isang entry lamang ang maaaring i-send ng isang Facebook account. Sa iisang entry lang din maaaring ma-feature ang #WonderJuana. Dapat naka-public ang post at mayroong hashtags na #MyWonderJuana at #WomenMakeChange. Kung wala nito, maituturing na disqualified ang entry.
-Mamimili kami ng 20 winners at itatampok namin ang mga ito sa aming page. Para makapili, ito ang aming titignan: content (50%), originality/creativity (40%), and visual aspect (10%).
-Maaaring magpadala ng entries hanggang March 21, 2021 at malalaman ang mga nagsipagwagi sa buwan din ng Marso. Matatanggap ang special prizes at certificate sa Abril.
I-handa na ang camera, istorya, at inspiring caption! Excited na kaming makilala ang inyong mga #WonderJuana!