Ang Pamahalaang Lungsod ng Bacoor, kasama ang Local Economics and Investment Promotion Officer sa pangunguna ni Ms. Khei Sanchez at ng THE ASIA FOUNDATION, na buong pusong sinuportahan ng Google.Org, ay nagsagawa ng Grow Digital Workshop.
Ginanap ang workshop na ito sa Revilla Hall na dinaluhan ng higit sa 80 mga dumalo mula sa mga Business Associations, Parent Leaders, Teachers, at MSMEs.
Layunin ng programa na ito na magbigay ng edukasyon at pagsasanay para sa mga may-ari ng negosyo at mga entrepreneur tungkol sa financial planning, digital marketing, cybersecurity, at green business upang mapalawak ang sistema ng kanilang negosyo.
Nagpahayag ng suporta si Mayor Strike B. Revilla kasama sina Hon. Alde Pagulayan at LNB Vice President Randy Francisco.
Bumisita rin sina Mr. Roy Abenaza (Mentor), Ms. Leila Bondoc, at Ms. Veronica Baguio mula sa The Asia Foundation.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.