Noong July 10, 2023, nagkaroon ng Memorandum of Agreement (MOA) ang Pamahalaang Lungsod ng Bacoor sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla at ang PAG-IBIG Fund sa pangunguna ni Board of Trustee Atty. Cesar P. Arellano.
Bago mag-umpisa, napag-usapan ang mahalagang serbisyo na maaaring ibigay at makuha ng mga Bacooreño kapag nag-tulungan ang Pamahalaang Lungsod ng Bacoor at PAG-IBIG Fund.
Unang napag-usapan ang programa ng Pag-Ibig na Pantawid Pamilya Pilipino Program (4Ps) para sa ating mga kababayan at pamilya na nahihirapan. Target ng programa na matugunan ang mga problema pagdating sa Kalusugan, Nutrisyon, Edukasyon at maibigay ang pangangailangan ng mga kabataan lalo na sa mga sanggol o bagong panganak. Mayroong dalawang bagay ang programa ng 4Ps, ito ang “Social Assistance” kung saan maaring makatanggap ng pinansyal na tulong upang maibsan ang pangangailangan ng pamilya. Ang isa ay “Social Development” dito makakatanggap ng capital o puhunan ang isang mahirap na pamilya para magkaroon sila ng negosyo upang maibsan ang kanilang nararanasang kahirapan.
Pangalawang napag-usapan ang PAG-IBIG HOUSING; naibahagi ng PAG-IBIG Fund ang kanilang plano na maitayo o mailagay ang 4 Eight-Storey Residential Building sa Lungsod ng Bacoor para makatulong sa mga Bacooreñong walang sariling bahay. Ang proyektong ito ay isa sa pangarap ni Mayor Strike B. Revilla para ang mga kababayan natin sa tabing dagat at tabing-ilog ay mabigyan ng pagkakataong makakakuha ng sarili nilang matitirahan.
Ang Pamahalaang Lungsod ng Bacoor ay bukas sa mga programa at proyekto na makatutulong sa mga Bacooreño.
Nagpasalamat si Mayor Strike B. Revilla sa Pag-ibig Fund sa programa at Proyekto na ibibigay nito sa Lungsod ng Bacoor.
As We Strike As One, Dahil sa Bacoor at Home ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.