Kasabay ng seminar tungkol sa Gender and Development, nagsagawa rin ng isang mahalagang pagpupulong para sa mga kalalakihan noong Hunyo 11, 2024, sa pangunguna ng Office of Population and Development, kasama ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) – 4Ps Unit at ang Office of the Provincial Population.
Dito ay tinalakay ang mga programa at proyekto na makakatulong sa pagiging ama o lalaki sa lipunan gayundin ang mahalagang papel ng isang ama sa kanyang pamilya.
Naging matagumpay at masaya ang pagtatapos ng programa dahil sa napakaraming kaalaman na ibinahagi na magagamit ng mga kalalakihang lumahok sa kanilang pang-araw-araw na buhay, sa tulong na rin ng mensahe na ibinahagi nina Mayor Strike B. Revilla at Vice Mayor Rowena Bautista-Mendiola sa mga ito.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.