Ang leptospirosis ay isang seryosong sakit na dulot ng bacteria na tinatawag na Leptospira. Maari itong makuha sa pamamagitan ng contact sa ihi ng hayop na may leptospira, tulad ng daga, lalo na kapag lumusong sa baha o kumain ng kontaminadong pagkain.
Mga Senyales at Sintomas ng Leptospirosis:
– Lagnat
– Mapulang Mata
– Hirap Umihi
– Masakit na Tiyan
– Masakit na Kalamnan
– Masakit na Ulo
Mga Komplikasyon:
Kapag hindi agad nagamot, maari itong magdulot ng:
– Pagpalya ng Kidneys
– Pagdurugo ng mga Baga
– Pagkamatay
Paano Maiiwasan:
1. Iwasan ang paglango o pagluso sa baha.
2. Magsuot ng bota at gloves tuwing tag-ulan.
3. Panatilihing malinis ang bahay at kapaligiran.
Prophylaxis:
Kung hindi maiwasang lumusong sa baha, kailangan uminom ng Doxycycline matapos ang baha upang maiwasan ang leptospirosis.
Para sa karagdagang impormasyon at tulong, makipag-ugnayan sa inyong health center. Maging maingat at panatilihing ligtas ang inyong pamilya!
This advisory is brought to you by the Philippine College of Physicians (PCP), Philippine Society for Microbiology and Infectious Diseases (PSMID), and Philippine Society of Nephrology (PSN).