Bacoor City – Nagbigay ng financial assistance ang City Government of Bacoor, sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla, sa mga residente na nangangailangan ng tulong medikal, para sa libing, at iba pa. Kasabay nito, nagbigay rin ng tulong sa mga nasunugan sa pamamagitan ng DSWD. Ang programa ay pinatupad sa pakikipagtulungan ng City Social Welfare and Development (CSWD) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Naganap ang pamamahagi ng tulong sa Revilla Hall, at dinaluhan ito ng mga sumusunod na opisyal: Mayor Strike B. Revilla, Coun. Rey Palabrica, Coun. Levy Tela, at mga kasama sa Team Revilla, kabilang sina Pastor Mike Bautista, Kuya Noly Galvez, Kap Eric Ugalde, at Kap Odoy Brillantes.
Bilang karagdagan sa financial assistance, namahagi rin ng tulong ang City Government sa 515 pamilya na biktima ng sunog sa Sitio Wawa, Barangay Zapote 3. Layunin ng City Government na mabigyan ng kalinga at suporta ang mga apektadong pamilya sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga pangunahing pangangailangan.
Ipinapakita ng programa ang dedikasyon ng City Government of Bacoor sa pagtulong sa mga nangangailangan at pagtiyak na makatanggap ng suporta ang mga mamamayan sa panahon ng kagipitan
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
STRIKETV Facebook Page
STRIKETV Youtube account
Maraming salamat po.